Alam kong mali, hindi tama.
Masaya ka na sa piling nya.
Ang hindi ko lang maintindihan,
bakit ako ang napipiling lapitan 'pag nangangailangan.
Hindi naman sa nagmamaramot,
natatkot lang sa multo ng kahapon.
Mga alaalang bumabalik,
na dapat ay matagal ko nang nalimot.
Bakit hindi ko magawang kalimutan ka?
Masaya akong ikaw ang kapiling nya.
Ganoon naman talaga kapag mahal mo, hindi ba?
Hahayaan mo kung saan sya masaya.
Ngunit masaya ka nga ba talaga?
Bakit ako'y hinahanap hanap pa?
Ayokong maging masaya,
habang sya'y nagdurusa.
Oo nga't mahal kita,
hangad kong maging masaya ka kahit pa sa piling ng iba.
Nandito lang ako handang maghintay sa'yo,
kapag natauhan ka na't handa na ulit mahalin ako.
-A <3
No comments:
Post a Comment