"Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang syang pinapangarap ko..."
-Parokya ni Edgar, Halaga
Puno ng mga ironies ang buhay.
Yung gusto mo, ayaw sayo dahil yung taong yun, may gustong iba pero ayaw din sa kanya.
Yung taong ayaw mo, may gusto sayo. Pero ayaw mo sa kanya dahil nga may gusto kang iba.
We always want what we can't have.
Parang cycle lang.
At minsan ang nangyayari pa, kung kelan ayaw mo na, saka ka naman gugustuhin nung taong may ayaw sayo.
Tama nga si Pareng Chito.
MALABO.
Wala akong alam na scientific rationale sa mga ganitong pangyayari.
Ang alam ko lang, hindi talaga binibigay ni God ang lahat.
Bakit?
Para kailanganin natin Sya.
May mga sarili Syang dahilan.
Hindi man natin alam ngayon pero malalaman natin sa tamang panahon.
Kaya kayo mga parekoy, tiwala lang.
God has better plans. ^_^
-A <3
No comments:
Post a Comment