Pseudo relationship a.k.a. False relationship a.k.a. Rebound relationship
Ito yung mga relationships na nag-eexist right after a breakup.
Tipong kakabreak nyo lang ng boyfriend/girlfriend mo 2 weeks ago, tapos eto ka na naman may bagong love life.
Yung totoo?!
Naka-move on ka na ba ng lagay na yan, o panakip-butas lang yan?
Huwag mo kong sasagutin ng "Kahit na anong sabihin mo, mahal ko sya. Mahal ko sya sa paraang alam ko." Pakiusap, huwag na huwag mong isasagot sa akin yan!
Panakip-butas lang yan.
Rebound.
Sabi ng professor ko, nasa 2-8 months ang recovery period/moving on period ng isang normal na tao.
Kaya naman any relationships na mag-ooccur within 1 month after getting your heart broken eh walang patutunguhan. Maniwala ka saken.
Nasaktan ka na, makakasakit ka pa.
Maawa ka naman sa tao.
Be mature enough to face your problems alone.
Sabi ko nga sa nakaraang post ko, "Love when you're ready, not when you're lonely."
Love is the most special feeling of all, lagi mong tandaan yan.
Kaya huwag na huwag kang gagawa ng mga bagay na makakapagpabago ng perception ng ibang tao sa salitang yan.
-A <3
No comments:
Post a Comment