Wednesday, November 7, 2012

The Rules of Kissing on the First Date


Should people kiss on the first date?

Kung babae ka, pero gusto mo talaga yung guy, pustahan tayo, 90% of the time, hinding hindi mo magagawang mag-initiate ng kiss. Bakit? Kasi there's an unspoken rule na lalake ang dapat gumawa nun.

Ang babae, kahit may gusto na yan sayo, hinding hindi pa rin aamin yan.

Bakit?

Dahil nakakahiya.

Babae ako, Pinay. Namulat sa kulturang konserbatibo. Sanay na ako sa kaisipang ang babae, kelangan mahinhin. Two words: Maria Clara.

Sabi nga ng Parokya ni Edgar
"Ang hirap maging babae kung torpe yung lalake
Kahit may gusto ka, di mo masabi
Hindi ako yung tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya di maaari..."

See?

Pero meron akong librong nabasa about rules of kissing on the first date. Sabi sa book na yun,
Body language is very important.

Kung isa kang lalake at feeling mo eh gusto din naman nung girl na i-kiss mo sya, then do it. Pero if it's the other way around, then don't. Instead, do something to let her know na you've had a nice time with her, like hugging or kissing her on the cheek. Kung hindi ka naman interesado sa kanya, then don't kiss her at all. Hwag ka nang magbigay ng motibo para umasa pa sya.

Whatever you do, don't leave her hanging.


Yung tipong she'll be wondering kung may second date pa ba o wala.

And lastly,

don't leave her wondering whether your night out was, in fact, a date or not.

There. Hindi ko na siguro kelangan pang i-explain further yung last sentence. ^_^

May rules man o wala, para sa akin, kung gusto mo sya i-kiss, then go, kahit babae ka pa at lalake sya. Why not? Just take the risk. Sabi nga nila, madalas pagsisihan ng mga tao ang mga bagay na hindi nila ginawa. Malay mo, hinihintay ka lang pala nya.


-A <3


No comments:

Post a Comment